psychology students in school have their free choice what uniform to use, it could be the white-and-a’la-nursing-uniform or the green-a’la-tablecloth-skirt.. most of the time i wear the green one. not because i wanna be seen as a tablecloth but because admit it or not, it brings much comfort compared to the all-white-nagbabait-baitan one.
well, this morning i somewhat met the day with lashes curledü.. needles ehh? necessary to say, i just had the shortest sleep ever.. i reviewed for that aciv exam which i found senseless.. natulog nalang sana ako..
o well, ayun. after taking a bath i’ve realized that all of my uniform were in the laundry shop. meaning, uhhhh. wala akong isusuot na uniform. but i have a choice if i really wanna attend the class, at talagang kelangan kong pumasok kasi nga midterm exam… i wore my a’la-kalabasa-p.e-uniform..
trivia: basura ang tawag sa mga psych majors na naka-green uniform.. dugyot-looking kasi unlike the white clinical uniform.. gets?
so ayun, kung basura ako pag naka-green, what more yun naka PE uniform, and to think we already took all PE subjects, including sky-diving and hockey..ehh?
a, so tama nga ang naisip ko..
i saw some of my classmates and tada, all asked, "why are you in your PE uniform blahblah?"
"a, wala kasi akong uniform e"
"e bakit hindi yung green"
"ahaha, kahit yun wala e"
so yun, halos lahat nagtatanong, kahit sa mga taga kabilang section, wierd kasi talaga dahil nga wala naman na kaming PE..
ayun, i was the laughing stock…weh, hyperbolic lang..
pero talagang niloloko ako ng lahat, it was nothing to me.. really, malupet pa nga e mukha daw akong traffic enforcer at mas malupet, ateng reliance.. maglinis na daw ako ng room..errr..
basura, yun yung tingin ko sa sarili ko ngayong araw.. hindi dahil mukha akong taga-linis ng school or dahil naka-PE uniform ako or magulo ang buhok ko o ano..
siguro nga basura talaga ako kaya ako muntik mataktakan ng basura sa garbage truck before, akala ata nung manong operator e big mass ako ng mga kinokolekta nila.. siguro mukha akong smokey mountain kaya yon, akala nya nasa smokey mountain nga sya…
ang sakit, oo, masakit.. alam kong mahal ako ng mga taong kilala ko.. siguro yun ay dahil sa pakikisama ko at sabihin na nating mabaut ako sa lahat, este sa karamihan. pero bakit ganon, sa taong you least expect that will treat you bilang basura… SIYA PA..
ceasefire ang luha ko, as in walang tumutulo ni patak… talo pa ang JOY na commercial.. pero sobrang nasaktan ako..
malupet pa dito, bago ko maconfirm na binabasaura niya pala ako e nakipagpustahan pa ako sa isang friend, SIGURADO kasi ako sa worth ko sa taong yun, mahalaga ako sa kanya sabi ko… sinabi ko pa na ipupusta ko ang buhay ko dahil sigurado ako na mananalo ako.. sabi ko magsu-suicide ako pag nagkataon….pero sa isang iglap, isang mensahe.. na nasundan pa ng pangalawa… kumpirmado, basura ako..
BASURA LANG PALA AKO AT BINABALEWALA..
wala naman akong ginagawang masama.. pero bakit ganon..
sa totoo lang, gusto kong gumamit ng defense mechanism na kung tawagin ay….. DISPLACEMENT pero wag na lang.. naniniwala ako na intelehente ako kahit pa basura lang ako para sa iba.. sublimation nalang..
mas okay pa sana na basura ako dahil sa suot ko, o dahil sa ayos ng buhok ko.. tipong pisikal ang usapan.. pero hindi e… BASURA AKO, hindi mapapatungan ng kahit ano mang magara at malinis na damit at sandamakmak na pabango…
pero hindi pwede yun, hindi ako basura.. kung susumahin, importante ako sa mga tao ng nakakasalamuha ko.. kya para sayo, ulol!! hindi ako basura..