ANO BA?
Gab: anong binibilang sa presinto? Mga preso? – argh, balota pare! Balota!
-
SIPSAP
When mom arrived from work
Gab: mommy, pakiss!
Kookoo: sipsip ka, sipsip!
Gab: sapsap ka naman
Kookoo: ano ang sapsap?
Gab: *thinks* ewan ko din… — nagsasalita kasi, di naman alam!
-
SAMURAI-X
Mommy: nikolai, i-peel mo na yung balat ng kalabasa
Blahblah blah..after 10years, nabalatan ko na sya… nun hinihiwa ko na “ano ba naman tong knife na to, hindi sharp…” tsaka ko narealize, baligtad pala yung paggamit ko… yung hindi sharp na side yung pinanghihiwa ko… e anong ie-expect ko? Na ako si kenshin ng samurai x at gumagamit ng espadang baligtad ang talim… haller?
-
THE INCREDIBLES
Asia: direk, paki-focus nga para makita yung kuko ko na may ink
Pining: Asia, asia… meron din akong INCREDIBLE ink sa kuko o! waaahhhhh.. — baka indelible
-
BINGI
Aunt Femie: Kookoo, ang bait ni daddy mo no
Kookoo: Oo nga po e, medyo tumataba nanaman nga po siya ngayon
Aunt Femie: oo nga, pero sabi ko mabait sya — a, pagkarinig ko kasi mapayat, (layo!)
-
TULOG-MANOK!
Kookoo: (while sleeping, totoong tulog) ZzZZzzz. (nagising at naabutang nakatingin si bolpz)
Bolpz: kanina ka pa ba gising?
Kookoo: Hindi, kamumulat ko lang. kagigising ko lang
Bolpz: e kanina ka pa nakamulat — sabing tulog ako! Tulog-manok! Puputak!
-
ULIT-ULIT. "ULIT" LANG! GRABE NAMAN EDI DAPAT UMUULIT PARIN NGAYON PART 1
Kookoo: alam mo xena, ang “bait-bait” ni ate rio no?
Xena:” bait” lang. grabe naman kung ang “bait-bait”.. sobra na yun, baka nasa langit na yun ngayon
-
PART 2
Kookoo: (kagigising, huamawak sa mukha) wwwaaaaaaaaahhhhhh, ang “dami-dami” ko ng pimples
Xena: “dami” lang. grabe naman kung “dami-dami”.. baka di na nakikita yung mukha mo kung ganun.
-
PART 3
Kookoo: alam mo, “mahal na mahal” ko yun.
Xena:” mahal” lang, grabe naman kung “mahal na mahal” edi sana pinakasalan mo na yun ngayon.
-
PART 4
Xena: waaaahh, kookoo “pagod na pagod” na ako
Kookoo: (tumingin kay xena) “pagod” lang
Xena: sabi ko nga. Grabe naman kung pagod na pagod edi sana di na ako nakabangon — karma! Haha
-
KALA IA-AFFIRM
Kookoo: alam mo ba dearie, kanina habang humihingi ako ng food sa server ang konti ng nilagay na food saken.. “hindi talaga obvious na malakas akong kumain”.. nakakaasar!
John: hindi yun, siguro naisip nung server “nako, kelangan ata neto mag-diet kaya onti lang ilalagay ko sa plate niya” — yeahright.. oo na! mataba na!
-
BIMBO TREE
Kookoo (super high at happy galing sa concert na bamboo)
Kristia: o, kumusta naman ang concert ni BIMBO?
-
BAMBOO— DA REGGAE KING
Kookoo at ate Maneka (nagbabasa ng news paper habang super gutom.. yung advertisement abt sa concert ni Ziggy Marley at mga reggae bands)
Ate Maneka: ay, ang corny naman nun concert, bakit hindi kasama si BAMBOO? — malamang reggae concert!
-
COS IT’S U.N.B AND ALL OF THE PEOPLE(PAKANTA)
Rico: ate, UNB mo — baka USB pare!
-
KALA KO BA..
Karol: baka naman pagutusan nanaman tayo ni hipon nyan na pumunta sa condo nila
Fang: naku, babae naman tayo. Wag naman tayo ang pag-utusan niya, ang layo nun
Karol: e paano pag pinag-utusan tayo niyan?
Fang: ah, bahala siya, “di ako susunod”
(after a while)
Hipon: Fang, samahan mo naman ako sa codo
Fang: o, sige
Roxio: fatima, you suck!! — oo nga, kala ko ba HINDI ka susunod? You S*ck fang! Haha!
-
OCEAN PACIFIC, BAKA PACIFIC OCEAN!
Rico: ate, alam mo ba tong kantang to? (inabot yung mp4 nya)
Kookoo: oo naman, kanta ng “pacific amber”
Rico: hindi
Kookoo: oo
Rico: baka “amber pacific” – sabi ko nga!
-
PAGONG!
Kookoo: ganyan pala ang itsura ni STARTLE kapag lumalaki
Bolpz: teka, startle ba ang pangalan nya? Parang hindi
Kookoo: ay SQUIRTLE pala.
-
EPAL
Dad: (talking to mom) sabi ng MCG ng Gk ang ganda daw ng mga bahay dito
Gab: dad, ano ang MCG?
Dad: tumahimik ka kasi, hindi ikaw ang kinakausap ko — epal kasi!
-
MATH WIZARD
Mom: anak, 8×7
Kookoo: (mabilis sumagot) 48
-
ASTIG KA PALA HA
Kookoo: (pinalaki ang boses) pare, macho mo, pakiss nga
John: matulog ka na nga!
-
ALAM KO! ALAM KO??
Kookoo: (nasa bus pa-alabang) alam mo ba kung paano makarating sa sta.rosa?
Rico: E ikaw?
Kookoo: hindi, e ikaw?
Rico: akala ko alam mo
Kookoo: akala ko ikaw ang may alam
Rico: hindi eh!
-
HINDI "DAW" TAKOT
Ranjel: are you afraid of dogs?
Kookoo: ayos lang, hindi naman..
Angel: (barked loudly) arf!arf!
Kookoo: heeeeh(takot!)
-
TRANSLATOR PART 1
Kookoo: ay shungaer kasi yun
John: what is shungaer?
-
TRANSLATOR PART 2
Kookoo: waaah, may “hidwaan” kami ni cheng ngayun..huhu(with all the drama)
John: what is hidwaan? –nga naman, malalim na tagalog yun
-
SMILE!
Pot: lalai, picture tayo
Kookoo: ayaw ko, ang itim ko ngayon.. SMILES to the cam
Bolpz: “ayaw ko, ang itim ko ngayon” pero ngingiti-ngiti ka! — model kasi!
-
BABY LASINGGERA
Memo: mi, lasang beer daw yung strawberry juice
Baby Kikay: Gusto ko pa! — uhh, lasinggera si baby?
POOOT..
Kookoo at meme (watching a movie).. nagkatinginan
Meme: naamoy mo?
Kookoo: oo, hehe
Meme: umutot kasi ako
Kookoo: huh, ako kaya yung umutot
Meme: sabing ako!
Kookoo: e ako nga kasi yun! – diba supposedly we should deny? Anyway, we both farted..haha!
-
FACE MO!
John: blahblah blah.. mukha mo!
Kookoo: blahblah blah your face
John: hey, you just translated it!
-
SERYOSO KAMI NI XENA
Kookoo: ei, depressed ako ngayon
Xena: uh, ikaw? Bakit?
Kookoo: e kasi natatakot sakin yung mga bata. Ni hindi sila nagsheshare saken.. di naman ako nakakatakot di ba?
Xena: actually kahit ako natatakot sayo. Lupet mo kayang mambara
Kookoo: e kasi ganun naman talaga ako. Sa tingin mo do I have to change?
Xena: oo..
Kookoo: if that happens, hindi na ako yun.tsaka come to think of it, pag nagbago ako, hindi na masaya, hindi na ako makulit… hindi kaya maganda yung, ang boring..diba? (sobrang nage-expect ako na sasabihin nia, “boring nga, sige wag ka ng magbago”)
Xena: ayaw mo nun, pretty na, mabait pa.. san ka pa? —GRRR! Haha
-
kookoo: naku, hindi ka na magkakaaswa niyan
ate anne: e kung pinturahan ko yang mukha mo.
-
kookoo: (text) mom, napaniginipan ko na ampon lang ako (waiting for a reply saying, "naku, anak talaga kita")
mom: i sent you 7 thousand.. –di ko alam kung affirmation na ampon nga lang ako o ano.. grr!
-
lola: o, may gelatine, dali kain kayo
kookoo at gab: yumyum
bolpz (tumikim, isang subo)
lola: bakit, hindi mo gusto?
bolpz: hindi masarap e
lola: tanga yang dila mo
gab: a tanga! a tanga! wahaha —huh, 2yrs old palang yata si gab nito..sabi na nga ba, nagsasalita ng hindi naman niya alam! mula noon hanggang ngayon!